
Sulit daw ang hirap para sa comedy actress na si Jelai Andres na gumanap bilang sirena na si Celebes sa weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.
Napakalayo man ng shooting nila sa probinsya ng Bataan, na-enjoy naman niya na gumanap na isang mermaid for the very first time.
Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Masaya po, medyo maginaw lang kasi sa dagat kami. Tapos nag-enjoy naman ako kasi bago lang 'yun 'yung langoy-langoy.
“First time ko nag-sirena, mahirap pero masaya kasi gusto ko 'yung hitsura ng sirena di ba ang cute. Mahirap lang siya sa tuhod kasi 'yung buntot hindi gumagalaw 'yung tuhod mo kasi masikip lang siya.”
Pinuri din ng former One of the Baes actress ang bida nila sa 'Mermaid For Each Other' na si Sanya Lopez sa pagiging mabait nito sa taping.
Ani Jelai, “Super bait ni Sanya [Lopez], super cute niya napaka-hinhin niya, sweet!”
Magiging busy na din si Jelai Andres sa bago niyang soap soon, dahil makakasama siya sa pinakabagong romcom series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.