GMA Logo Jelai Andres
What's on TV

Jelai Andres, may aktres na ayaw makasalubong?

By Racquel Quieta
Published August 15, 2021 6:04 PM PHT
Updated August 15, 2021 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres


Sino kaya ang sinagot ni Jelai Andres sa isang kontrobersyal na tanong sa kanyang 'Mars Pa More' guest appearance ngayong Miyerkules, August 18? Alamin DITO:

Sa latest vlog ng Kapuso artist na si Jelai Andres, nagbigay siya ng patikim ng kanyang Mars Pa More guest appearance ngayong Miyerkules, August 18.

Sa vlog, may ipinakitang video kung saan tinanong ni Mars Pa More guest co-host LJ Reyes si Jelai nang: “Sino sa showbiz na nakatrabaho mo ang isang tao na ayaw na ayaw mong makasalubong?”

Sina LJ Reyes at Camille Prats kasama si Jelai Andres sa Mars Pa More / Source: Jelai Andres (YouTube)

Sa video, makikitang ibinulong ni Jelai ang kanyang sagot kay Camille Prats habang nakatakip ang kanyang kamay sa bibig.

Agad namang natawa si Divine Aucina na guest din sa nasabing episode dahil mukhang alam na niya agad kung sino ang isinagot ni Jelai.

Natatawa namang ibinulong ni Camille kay LJ ang isinagot ni Jelai.

Ipinakita ring nag-explain ng bahagya si Jelai tungkol sa kanyang sagot.

“Hindi naman ganun gaano pero…” ani Jelai.

Sabay may lumabas na text sa kanyang vlog na “Sino kaya 'yung girl na nakatrabaho ni Miloves?”

Alamin kung sino ang aktres na ayaw umano makasalubong ni Jelai Andres sa kanyang Mars Pa More guest appearance ngayong Miyerkules, August 18, 8:50 a.m. sa GMA-7.

Pansamantala, maaari mong panoorin ang vlog ni Jelai Andres tungkol sa kanyang Mars Pa More guest appearance dito.

Kilalanin naman ang mga lalaki sa buhay ni Jelai Andres sa gallery na ito: