
Isang proud aspin lover at owner ang vlogger-actress na si Jelai Andres.
Sa latest Instagram post ni Jelai, makikita ang ilang larawan habang kasama niya ang kanyang alagang aspin na si Popoy.
Kakabit ng larawan ay ang hirit niya patungkol sa dog discrimation na kasalukuyang pinag-uusapan online.
“They are never just an aspin. Pinakagwapong aso siyempre 'yung anak ko 'yun si @popoythepogi,” sulat ni Jelai sa caption ng kanyang post.
Biro pa ng vlogger-actress, “Mas pogi pa sa mga ex n'yo! [laugh emoji].”
Sa comments section, mababasa ang comment ng Widows' War actress na si Carla Abellana.
Sulat ni Carla, “Louder!”
Related gallery: Celebrities na proud fur parents sa mga aspin
Matatandaan na nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa mga aspin matapos mag-viral online ang post ng aspin owner na si Lara Antonio.
Sa post ni Lara, inilahad niya ang nangyari sa isang restaurant sa Tagaytay matapos hindi papasukin ang kanyang alagang aspin na si Yoda.
Kasunod nito, nagpost sa Instagram ang fur baby ni Heart Evangelista na si Panda, ang kinikilala ng marami na presidente umano ng Aspin Society Elite.