GMA Logo Jelai Andres
Celebrity Life

Jelai Andres, nag-file na ng annulment?

By Cherry Sun
Published April 12, 2021 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres


Isang tell-all vlog ang inilabas ni Jelai Andres upang sagutin ang mga katanungan kaugnay ng kanilang relasyon ni Jon Gutierrez.

Totoo nga bang nag-file na ng annulment si Jelai Andres upang ipa-walang-bisa ang kasal niya kay Jon Gutierrez?

Jelai Andres

October 2018 nang magpakasal sina Jelai at Jon. Ngunit matapos ang anim na buwan, naghiwalay ang dalawa kasunod ng pagkakatuklas ni Jelai na may ibang karelasyon ang kanyang mister.

Sa kabila ng pagsubok sa kanilang buhay-pag-ibig, sinubukan pa rin muli ng mag-asawa na ayusin ang kanilang pagsasama. Pag-amin ni Jelai sa kanyang vlog ay nagkabalikan daw sila habang nagsu-shoot para sa Owe My Love.

Gayunpaman, hindi pa rin sila nauwi sa kanyang inaasam na happily ever after matapos niyang malaman na diumano'y muling nangaliwa si Jon.

“Pinagbigyan ko si King Badger. Nagkabalikan talaga kami. Excited pa nga akong i-reveal 'yun noong lock-in taping, i-reveal 'yun. Magkahiwalay lang kami ng bahay pero mag-asawa pa rin kami kasi kinasal kami 'di ba, pero alam n'yo naman na inaayos namin 'yun. Tapos noong lock-in taping, nagkabalikan kami. Nagbigay ako ng chance tapos excited akong i-reveal pero hindi pa rin nag-work kasi nga nalaman natin ito, may mga lumabas. Sa ngayon masakit pero excited ako sa next chapter ng life ko.”

Ipinaliwanag din ni Jelai kung bakit muli niyang binigyan ng pagkakataon si Jon at kung bakit iba na ang kanyang desisyon ngayon.

“Sino ba naman [ang] ayaw na buo ang pamilya, 'di ba? Siyempre ginawa ko 'yung part ko as a wife. Feeling ko ganun eh, inisip ko 'yung marriage namin. Ganun 'yung parte ng asawa eh, kailangan mo magtiis, kailangan mo siya sagipin. Parang baka enough na. Wala akong pagsisisihan kasi nagawa ko 'yung part ko as a wife, and 'yun nga, sino ba namang ayaw na buo ang pamilya.

“Hindi naman kami mag-boyfriend or mag-girlfriend katulad ng sinasabi nila na 'Tino-tolerate mo, ganyan, ganyan.' Hindi eh. Hindi kami mag-girlfriend-boyfriend para bigla mo lang bitawan 'yung isang tao. Kinasal kami eh. Buti sana kung boyfriend ko lang 'yun eh, pero hindi, mag-asawa kami.”

Nang tanungin naman kung nag-file na siya ng annulment, naging maiksi ang kanyang tugon. Panoorin ang kanyang tell-all vlog dito:

Silipin ang sexiest photos ni Jelai sa gallery sa ibaba: