
Nilinaw ni Jelai Andres na iisa lamang ang official account niya sa TikTok matapos mabalitaang may fake accounts na gamit ang kanyang pangalan sa video-sharing social network app.
Isang TikTok video ang ibinahagi ni Jelai upang linawin ang kanyang tunay na account. Ang kanyang gamit na ID ay @jelaiandrestiktok.
Aniya, “Follow niyo po account ko. Wala po akong ibang account sa TikTok maliban yan! Kagagawa ko lang po kahapon. Poser po yung ibang na-follow niyo, hindi po ako yun. Eto lang legit po. Thank you lab you.”
Si Jelai ay magbabalik-primetime sa upcoming Kapuso show na Owe My Love.
TikTok video ng #JoLai couple na sina King Badger at Jelai Andres, may mahigit 1M views na
LOOK: Kapuso stars you need to follow on TikTok
Ex Battalion member King Badger at Jelai Andres, balik-tambalan para sa Owe My Love