
Nagluluksa ngayon si Jelai Andres sa pagpanaw ng kanyang kaibigan at kapwa YouTuber na si Emman Nimedez.
Nitong Linggo, August 16, sumakabilang-buhay si Emman matapos ang kanyang laban sa sakit na acute myeloid leukemia.
Pumanaw ang vlogger sa edad na 27 at iniwang nagluluksa ang kanyang mga pamilya at kaibigan. Kabilang na rito si Jelai na nakatrabaho rin si Emman sa ilang videos.
Aniya, “Bye Emman! 'Yung mga videos natin lahat nakakatawa, pero pag pinanood ko ngayon nakakaiyak na siya. Ang lungkot tols. Mamimiss ka namin. Salamat sa 6 yrs na pagkakaibigan. Salamat sa pagpapasaya sa mga tao. Mahal ka namin. Rest in Peace tols.”
Maliban kay Jelai, nagpaabot din ng kanilang pakikiramay ang ibang vloggers tulad nina Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich at Ysabel Ortega.