GMA Logo jelai andres
What's on TV

Jelai Andres sa bagong partner ni Jon Gutierrez: 'Keep mo na lang siya'

By Kristian Eric Javier
Published July 21, 2026 11:04 AM PHT
Updated July 21, 2026 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Some senator-judges express reservations over subpoena for Sara Duterte's financial records
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

jelai andres


Alamin ang mensahe ni Jelai Andres sa dating asawang si Jon Gutierrez at bagong partner nito:

Sa kabila ng annulment ng kasal nina Jelai Andres at Jon Gutierrez a.k.a. King Badger, hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na mayroon nang bagong partner ng Ex Battalion rapper. Kaya naman, nag-iwan ng mensahe ang social media personality para sa bago partner ng dating asawa.

“Para sa babaeng kasama po ng ex ko, sana ingatan mo siya at pangalagaan mo siya, protektahan mo siya para hindi na makaperwisyo ng iba,” sabi ni Jelai sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 20.

Patuloy pa niya, “Sa 'yo na lang. Baka may mangyari pa katulad sa 'kin, so keep mo na lang siya.”

Ipinahatid din ni Jelai ang hiling niya para sa dating partner, na sana ay maging better pa ito ngayon kumpara noong nagsasama pa sila. Pinaalala rin nito na huwag kalilimutang magdasal, bagay na itinuro umano niya noon kay Jon.

“Kasi, dati mukhang nakalimutan mo 'yung laging tinuturo ko, na lagi kang magdadasal. Pinakilala ko sa 'yo 'yung Diyos, sana mapagpatuloy mo 'yun. At wini-wish ko 'yung peace mo pa rin at sana meron ka rin nu'n katulad ko at gusto ko pa rin na maging successful siya sa buhay, Tito Boy,” sabi ni Jelai.

BALIKAN ANG TIMELINE NG RELASYON NINA JELAI AT JON SA GALLERY NA ITO:

Inamin ni Jelai na hindi naging madali ang pag-file niya ng annulment ng kasal nila ni Jon. Sa katunayan, naging pangarap na lang niya ito noon sa pag-aakalang hindi na ito mangyayari.

“Parang second life ko na 'to, Tito Boy, e. Kasi siyempre, napagdaanan ko po 'yung depression, 'yung anxiety, 'yung wini-wish ko kapag nakakakita ako, Tito Boy, ganu'n kalala, kapag nakakakita ako ng bata na babae, iniisip ko na sana hindi niya maranasan 'yung naranasan ko kasi sobrang hirap, baka hindi niya kayanin,” sabi ni Jelai.

Nilinaw naman ni Jelai na wala na siyang galit ngayon kay Jon, hindi tulad noong una. Sa katunayan, kapag nagkikita sila, nagbabatian pa rin sila. Sinabi rin ni Jelai na napatawad na niya ang dating asawa.

“Hindi na po, hindi kami magkaaway kasi hindi na kami nag-aaway, hindi rin kami bati. Pero ako po ay hindi na ako galit,” sabi ni Jelai.

Narito ang ilang pang mga kuwento ni Jelai sa Fast Talk With Boy Abunda: