What's on TV

Jemwell Ventinilla, mas pinili pa rin ang public school kahit artista na

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 17, 2020 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



“Nanghinayang po ako sa 50,000 pesos na gagastusin ko sa private school” - Jemwell
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com

Karamihan sa mga artista na nag-aaral pa ay home study ang pinipili para mas madaling itong isabay sa kanilang showbiz career. Iba sa kanila si Yagit star Jemwell Ventinilla dahil bukod sa regular school ang pinili ay nanatili pa rin ang child actor sa public school.

Ayon kay Jemwell, home study na rin ang mga kasamahan niya sa Yagit na sina Judie Dela Cruz, Chlaui Malayao at Zymic Jaranilla. “Ako lang po 'yung regular [school] sa kanila,” saad niya.

Dahil sa regular school pumapasok si Jemwell, mas mahirap daw pagsabayin ang career at studies. Paano niya ba nagagawang makapag-aral kahit madalas ang kanilang taping?

“Ginagawa ko po, mayroon po akong tutor. Dala-dala ko nga po 'yung projects ko [sa taping],” pahayag ng gumaganap sa role ni Tomtom sa Afternoon Prime soap.

Kuwento pa ni Jemwell, kahit daw mayroon na silang pera ngayon ay mas pinili niya pa rin ang magtipid. Aniya, “Nanghinayang po ako sa 50,000 pesos na gagastusin ko sa private school.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko, Ma, alam mo 'yung 50,000 pesos na 'yon, napakarami na nating mabibili.”

Hinayaan daw si Jemwell ng kanyang ina na magdesisyon para sa sarili dahil siya naman daw ang kumikita ng pera. “Sabi ko, parang gusto ko na mag-private kasi nahihirapan na ako. Pero sabi ko sa kanya na kaya ko 'to [kaya’t] pinanindigan ko,”

Ani Jemwell, masaya naman daw mag-aral sa public school lalo na't naroon ang kanyang mga kaibigan. Iniisip niya na lang daw na normal pa rin siyang estudyante tulad dati noong hindi pa siya sumisikat bilang isang artista.