GMA Logo Jen Rosendahl and family
Celebrity Life

Jen Rosendahl is pregnant with 2nd child

By Jimboy Napoles
Published November 23, 2022 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam panel talks on 2026 budget to continue on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jen Rosendahl and family


May baby number two na si Jen Rosendahl, ang gumaganap bilang Berta, ang isa sa makukulit na kasambahay sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.'

Proud na ibinahagi ng Kapuso comedienne-actress na si Jen Rosendahl na siya ay muling nagdadalang-tao. Ito ang kanilang second baby ng kaniyang non-showbiz partner na si Jules Changco.

Makikita sa pinakahuling Instagram post ni Jen ang mga larawan niya kasama si Jules at ang panganay nilang anak na si Tyler hawak ang isang sonogram ng kanilang baby.

A post shared by Jen Rosendahl (@jenrosendahl)

Kapansin-pansin din sa nasabing post ang isang pink toy car, pink tulips, at isang pink babywear na may nakasulat na, "Little answered prayer."

Nagpasalamat naman ang dating sexy actress sa lahat ng nagdasal para sa kaniyang pagbubuntis.

"We can't wait to meet our new edition in a few months. Everyone who prayed with us for another lil angel, thank you so much. We are so blessed [and] excited," caption ni Jen sa kanyang Instagram post.

January 2016 nang ipinanganak ni Jen ang kanilang anak ni Jules na si Tyler.

Bukod sa pagiging sexy star noon, kilala rin ngayon si Jen sa kaniyang karakter bilang Berta, ang robotic kasambahay sa weekend sitcom ng GMA na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

KILALANIN SI JEN ROSENDAHL SA GALLERY NA ITO: