
Opisyal na naging Kapuso talent ang The Clash 2019 finalist na si Jeniffer Maravilla matapos pumirma ng kontrata sa Artist Center noong Pebrero.
Kaakibat ng kanyang pagiging Kapuso talent ang pag-attend sa mga workshop para mapabuti pa ang kanyang talento hindi lang sa pagkanta, pati na rin sa pag-arte.
Ayon sa aming Skype interview kay Jeniffer, binahagi niya na patuloy silang lumalahok sa mga workshop virtually sa panahon ng enhanced community quarantine.
Saad niya, "First ever acting workshop ko siya, so na-e-enjoy ko, ok naman siya so far kasi lahat talaga medyo bago sa 'kin.
"Ang bait din naman kasi ng teacher namin, 'yung coach namin si Ms. Ana.
"And then 'yung batch namin medyo bagets kasi so talagang parang na-e-enjoy ko 'yung company ng bawat isa since magagaling talaga sila.
"Kahit na beginner ako, parang napu-push ako."
Handa na ba siyang sumabak sa pag-arte?
Sagot niya, "Parang hindi pa ko confident pero sabi naman nila, kumbaga, ginagawa ko naman 'yung dapat gawin.
"So I trust them, totoo ang assessment sa 'kin."
Ayon kay Jeniffer, sinubukan niyang maging mataray na CEO sa kanilang acting workshop. Kontrabida roles ba ang nais niyang gampanan on-screen?
Please embed:
Pahayag niya, "Ngayon kasi parang tsina-challenge kami do'n sa mga character na medyo malayo sa personality namin.
"So last drill na ginawa ko mataray na CEO gan'yan.
"'Pag bago sa 'kin 'yung group of people, talagang nahihiya ako.
"Siguro pwede ko namang i-try 'yung mga slight na matataray na roles kasi I haven't done that before.
"Pero 'yun nga, like I said, parang feeling ko ang mga teacher ko talaga or mga adviser talaga namin 'yung makakapag-assess sa 'min.
"And I trust din naman 'yung kanilang mga opinyon."
Kung mabibigyan siya ng kontrabida role, sinabi ni Jeniffer na gusto niyang matarayan ang kanyang kapwa The Clash graduates na sina Jeremiah Tiangco at Nef Medina.
"Sila Jeremiah, sila Nef 'yung mga kasama ko sa The Clash.
"At least, medyo kabisado na namin 'yung isa't isa."
Ayon pa kay Jeniffer, idol niya sa pag-arte sina Rita Daniela at Julie Anne San Jose na naging The Clash hosts din.
"Sobrang na-admire ko si Ms. Rita kasi ang dami n'yang ginawag roles na nagfi-fit sa personality n'ya.
"Talagang napu-pull off niya 'yung character, so parang kudos lang talaga.
"No'ng nagworkshop ako last time, parang lalo ko silang na-appreciate kasi do'n ko na-realize na 'di pala siya madali."
Diin pa Jeniffer, "Mas madali pang kumanta talaga, promise.
"No'ng nagworkshop ako, ang dami palang preparation na kailagan gawin to be an actress.
"So na-appreciate ko lalo si Ms. Rita, sila Ms. Julie Anne, sobrang saludo lang ako sa kanila."