
Masayang inilahad ni Jeniffer Maravilla ang kaniyang nararamdaman sa bagong proyektong kinabibilangan niya, ang upcoming suspense drama series na Akusada.
Sa naturang programa, makakasama niya ang kapwa aktres na si Andrea Torres, na kanyang hinahangaan.
"Sobrang excited ako kasi lalo na si Andrea [Torres], isa siya sa mga nilu-look up ko na Kapuso actress. Sobrang bilib po ako sa mga nagampanan niyang role from the past,” sabi ni Jennifer sa panayam sa kanya ng "Chika Minute" para sa 24 Oras.
Related gallery: Cast ng 'Akusada,' nagkita-kita sa story conference
Sa unang linggo ng Abril ay sumabak si Jeniffer sa acting workshop, kung saan nakasama niya ang bida sa serye na si Andrea Torres.
Si Jeniffer ay napanood bilang si Sawa sa afternoon drama series na Asawa Ng Asawa Ko noong 2024.
Samantala, kasama nina Andrea at Jeniffer sa bagong serye ang Kapuso actors na sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Arnold Reyes, at marami pang iba.
Sabay-sabay nating abangan ang pagsisimula ng Akusada, malapit na sa GMA Afternoon Prime.