
Ipinakita ni Jennica Garcia-Uytingco ang pagiging isang huwarang ina sa mga simpleng bagay. Sa kanyang Instagram, may post si Jennica habang sakay ng bus kasama ang asawa na si Alwyn Uytingco at ang kanilang anak na si Mori.
Aniya, “Magandang umaga! Kuha itong picture na ito kanina mga ala una ng madaling araw. May isa kasing stop over sa 10-11 hours na biyahe namin papuntang Tabuk kaya ito, nakapag-picture ako kasama ang prinsesa naming parang nalasing sa breast milk ko. Tulog na tulog at naka nga-nga pa.”
‘Di bale nang hindi makabili ng pagkain basta ‘di lang madistorbo ang tulog ng anak na si Mori.
“Hindi na ako makababa para kumain kasi magigising si Mori. Kawawa naman at baka mahirapan makabalik ng tulog kaya nagpa take-out na lang ako kay Alwyn. Sayang at walang kanin na pwedeng take out. May lugaw pero bawal take out kaya ang pagpililian ko lang ay hotdog o barbecue. Grabe, nakalimutan ko na, na ang sarap nga pala ng hotdog! Hahahaha! Nakakainis ang sarap talaga. Ang dami ko nakain, naka-tatlo ako. Hindi bale, hindi naman na ako nag-grocery ng mga processed at hindi masustansya na pagkain. Minsan lang naman ito.”
May mensahe rin siya sa kaniyang mga fans at taga-supporta ng #PamilyaUytingco.
“Gusto ko lang din sabihin na binabasa ko ang comments niyo at dahil medyo marami na, dito ko na lang sasagutin para mas madali. May nanay [na] nag-share na 4 months pregnant siya nang umakyat siya dito sa Mountain Province. Salamat nakaka-encourage! May nagsabi rin na 'pag may makita akong stick na pwede maging tungkod, gamitin ko ito para hindi ako mahirapan umakyat. Salamat! May nag-correct rin sa akin, magkaiba ang Kalinga sa Mountain Province subalit pareho itong sakop ng Cordillera. Salamat po! Meron rin naman naku swerte ng mga nasa bus makapagpa-picture sila sainyo. - Wala po nakakilala sa amin kahit isa hehehe! May nakapagsabi rin na antayin o puntahan namin si Sleeping Beauty. Hindi ko po naintindihan,” ani Jennica.
“More details on this please and yes, we do have a guide/porter. I texted him a few days ago before booking a ticket at Victory Liner Kamias. Sasabihin ko sa inyo ang pangalan niya at contact number pag pauwi na kami. Tingnan ko muna kung okay ba si kuya na guide, kung maalaga ba siya, mahaba ang pasensya, para 'pag naisip niyo pumunta ng Mountain Province, may go-to person na kayo.”
Aakyat ng bundok ang pamilya Uytingco kahit na buntis si Jennica matapos siyang payagan ng kanyang doktor.