
Sa Tadhana: Lihim na Anak, walang yaman sina Janna (Jennica Garcia) at Rocky (Yasser Marta), pero buo ang kanilang pagmamahalan. Ngunit magbabago ang lahat kapag biglang nagkasakit si Rocky at mangailangan ng malaking halaga para sa kanyang pagpapagamot.
Sa gitna ng kanilang problema, mapipilitan si Janna na humingi ng tulong kay Donya Juanita (Carla Martinez), ang mayamang ina ni Rocky.
Handang sagutin ni Donya Juanita ang gastusin sa ospital, ngunit may kapalit ang kanyang tulong. Kailangan munang wakasan ni Janna ang relasyon nila ni Rocky.
Dahil dito, mapipilitan si Janna na mamili sa pagitan ng kanyang minamahal at ng perang maaaring makapagligtas sa buhay ni Rocky.
Hanggang saan ang kayang isakripisyo ni Janna para sa kapakanan ni Rocky?
Alamin ang sagot sa pinakabagong handog ng Tadhana, ang "Lihim na Anak," ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa livestream ng GMA Public Affairs sa Facebook at YouTube.