GMA Logo Tadhana, Boss Yaya
What's on TV

Jennica Garcia, bibida sa 'Tadhana: Boss Yaya' (Part 2)

By Bianca Geli
Published July 11, 2025 7:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana, Boss Yaya


Dahil sa pagkawalay sa sariling anak, magsisikap si Carla (Jennica Garcia) upang makasama muli ito.

Isang kuwento ng muling pagkabuo at pag-angat ang hatid ngayong Sabado ng Tadhana sa episode na "Boss Yaya," tampok si Jennica Garcia bilang Carla, ang dating kasambahay na natuklasang siya ay ang nawawalang anak pala ng isang mayamang matanda.

Hindi inaasahan ni Carla na ang kanyang tunay na ama ay si Mr. Smith, isang kilalang negosyante. Sa muling pagkikita nila, tutulungan siya nitong tuparin ang kanyang mga pangarap. Magsisimula si Carla sa pag-aaral ng culinary arts at kalauna'y magbubukas ng sarili niyang restaurant.

Ngunit sa kabila ng bagong yugto ng kanyang buhay, hindi pa rin nawawala sa puso ni Carla ang kanyang anak, ang batang matagal nang ipinagkait sa kanya. Ngayong nakaangat na siya sa buhay, gagawin niya ang lahat upang muling makapiling ito.

Huwag palampasin ang makabagbag-damdaming kuwento ni Carla sa Tadhana: Boss Yaya, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7, at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream.

Balikan ang Part 1 ng Tadhana: Boss Yaya: