GMA Logo Jennica Garcia
What's Hot

Jennica Garcia, nag-react sa netizen na tinawag siyang 'losyang'

By Aimee Anoc
Published June 28, 2021 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jennica Garcia


Hindi naiwasan ni Jennica Garcia na sagutin ang netizen.

Paano hinarap ni Jennica Garcia ang isang netizen na nag-comment ng hindi kanais-nais sa kanyang selfie post sa Instagram noong June 26?

Makikita sa nasabing selfie na nakasuot ng sexy sleeveless dress ang aktres.

A post shared by Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)

“Swipe left! I [took] test shots on time mode to see how I look like before an online interview,” post ng aktres.

Inisa-isa rin ni Jennica ang paglalarawan sa bawat litrato, “Hair down? Hair Up? Itsura ko tuwiing swab test. True self.”

Sa huli, sinabi ng aktres na mas gusto niya pa rin ang "true self" niya. Nagbiro rin ito kung bakit siya single ngayon.

“End choice every single time: True self.

"Bilib na sila, binawi mo naman. Sa totoo lang tayo. I love you mga mamsh!” pagtatapos na caption nito.

Mayroon namang isang netizen na nag-iwan ng comment sa post ng aktres at sinabing, “Ganyan dapat feel fresh… Losyang kana kc dati e.”

Hindi nagustuhan ng ilang fans ang comment na ito at ipinagtanggol ang aktres. Agad namang pinagitnaan ni Jennica ang kanyang mga fans at ang nasabing netizen.

“Mga mameh thank you appreciate ko kayo, okay na ha? Gawa ng marami tayo baka malungkot po siya o ma ano, anxiety. Ayos na ayos lang ako. Naiintindihan ko si ma'am, naiintindihan ko rin po kayo kung bakit niyo po siya sinagot. Salamat po ulit sa inyo. Blessing kayo sa 'kin mga mameh. Ate Chex okay tayo 'wag ka po mag-alala. Lunch na tayo guys. Love youuu all,” reaction ng aktres.

Nagpapasalamat si Jennica sa kanyang mga fans na patuloy na sumusuporta at itinuturing niya itong malaking blessing ng kanyang buhay. Nagbigay rin ng words of encouragement ang aktres para sa lahat, na huwag hayaang mawala ang "true self" nila at iwasan ang pamba-bash sa isa't isa.

“Uy mga mameh, yung goal ko mapatawa kayo, mga comments niyo puro appreciation, gulat naman ako. 'Pag may pinagdaanan tayo na masakit ayos lang magbida-bida. Pampataas ng self-esteem ba. Pero 'wag natin hayaan mawala 'yung true self natin. 'Yung confident pa rin tayo sa mga moments na 'di tayo kagandahan.

"Kaya pa rin natin dapat tawanan itsura natin. 'Wag tayo mapa-panic na hala pangit ko rito ganyan. Walang taong pangit. Sobrang mahal ko kayo. Na-appreciate ko talaga kayo. 'Di ko lang kayo masagpt lahat pero mahal ko kayo. Ito niyayakap kita ngayon!!! Kaya mo 'yan ikaw pa ba! I love you!!!” ani pa ni Jennica.

Noon lamang nakaraang buwan, kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Alwyn Uytingco. Pero nitong nakaraang mga linggo, ipinahayag ni Alwyn na umaasa pa rin siya na magkakaayos sila ni Jennica. Ang dalawa ay biniyayaan ng dalawang anak na babae na sina Athena Mori Uytingco at Alexis Severina Uytingco.

Tingnan ang simpleng buhay ni Jennica Garcia sa gallery na ito: