Article Inside Page
Showbiz News
Inamin ni Jennica sa press na wala siyang panahon sa pag-ibig ngayon.
Sa press launch ng pinakabagong story ng ‘Dear Friend’, ang 'My Stalking Heart', inamin ni Jennica sa press na wala siyang panahon sa pagibig ngayon. Pero paano na ang kanyang bagong ka-love team na si Carl Guevarra na napapabalitang may crush sa dalaga? Text by Loretta G Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Isa na namang bagong story ang mapapanood sa
Dear Friend, this Sunday (March 7). Starring Jennica Garcia at ang bagong Kapuso talent na si Carl Guevarra,
My Stalking Heart is a romantic-comedy na talaga namang magpapakilig sa mga manonood.

"Nakakatuwa kasi first time ko makatrabaho si Carl. Tahimk siya pero sa umpisa lang ‘yun. Nasa isang tabi lang siya, ako ‘yung 'hoy, magsalita ka naman diyan!’ Kasi nga mahiyain siya. Pero mabait naman po siya," ang kuwento ni Jennica bago pa man magsimula ang press launch ng kanyang bagong show.
Itinanong din sa kanya kung ano ang masasabi niya sa balitang interesado daw sa kanya ang bagong ka-love team.
"Naku umayos nga siya! Joke lang 'yun! Hoy Carl!" ang natatawang reaction ni Jennica.
"Ewan ko kung bakit hindi niya ako masyadong makausap ng harapan. Lagi lang siyang tumatawa. Tawa lang siya ng tawa. Kahit hindi ako nagpapatawa. Tawa lang ng tawa iyang si Carl. So siguro naman masaya naman siya kapag naguusap kami," ang dagdag pa ng dalaga.

Pero handa na nga ba sa bagong pagibig si Jennica?
"Naku new love wala, okay lang po ako, at saka paano ko iisipin 'yung love ang dami kong eksena araw-araw! Almost everyday pa 'yung taping ko. Tapos noong time pa nga ng
Dear Friend nagsasabay. So iisipin ko lang talaga trabaho at tulog."
Paliwanag pa niya na mas uunahin na muna niya ang kanyang sarili at pamilya bago pa mag-entertain ng mga suitors.
"Siyempre bago yang mga lalaki na ‘yan, sarili ko muna, pamilya ko muna. Ayoko muna [ma-inlove] kasi kagaya ng parati kong sinasabi, naranasan ko nang magkaroon ng boyfriend, okay na ako doon. 'Yung susunod, kahit matagal siguro okay lang. At saka nandito lang naman ako eh, kung meant to be talaga, meant to be. Kupido hanapin mo ako!"
Dear Friend's My Stalking Heart begins this Sunday, March 7 sa Linggo Bingo ng GMA.
Talk about Jennica and her new show sa pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Subscribe na sa Fanatxt service ni Jennica!
Just text JENNICA(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)