
Hindi napigilan na maging emosyonal ng Kapuso star na si Jennie Gabriel matapos ang mabigat na eksena nila ni Gladys Reyes sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
Sa naturang serye, bumibida nsi Gladys bilang Hazel habang gumaganap si Jennie bilang Alice, na kaibigan ni Hazel.
Sa social media post ng GMA Drama, ipinasilip ang behind the scenes video ng naging
matinding eksena ng dalawang aktres, kung saan nasampal pa ni Gladys si Jennie.
Matapos ang kanilang eksena, nakatutuwang ibinahagi ng actress-singer ang kanyang experience nang masampal ng Primera Kontrabida.
"Ang sakit, double kill [laughs]. Mainit nga, totoo 'yung tsismis," ani Jennie.
Ipinakita rin sa video ang pagiging emosyonal ni Jennie habang kayakap ang kanyang co-star.
"Ate, mami-miss kita," sabi ni Jennie kay Gladys.
In-upload din ni Jennie sa Instagram ang behind the scenes video nila ni Gladys at sinulat sa caption, "Ang sheket naman Hazel. Natikman ko na ang Legendary Sampal mo haha!"
Subaybayan ang huling linggo ng Cruz vs. Cruz, Biyernes, 3:20 p.m., at sa oras na 2:30 p.m. sa Sabado sa GMA Afternoon Prime.