GMA Logo Jennifer Maravilla
What's on TV

Jennifer Maravilla, ikinuwento kung bakit espesyal sa kanya ang kantang "Abutin" ng 'The Lost Recipe'

By Maine Aquino
Published January 18, 2021 3:37 PM PHT
Updated January 18, 2021 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Jennifer Maravilla


Si Jennifer Maravilla ang magbibigay buhay sa theme song ng romance fantasy series na 'The Lost Recipe.'

Ibinahagi ng Kapuso singer at The Clash season 2 finalist na si Jennifer Maravilla ang kanyang naging experience sa pagkanta ng weekly theme song ng The Lost Recipe.

Ang The Lost Recipe ay ang romance fantasy series na bagong handog ng GMA Public Affairs. Mapapanood dito ang unang pagtatambal nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda o #MiKel. Sila ay gaganap bilang sina Chef Harvey Napoleon at Chef Apple Valencia.

Ayon kay Jennifer, espesyal sa kanya ang pagkanta ng The Lost Recipe theme song dahil unang beses niyang kakanta para sa isang serye.

 Jennifer Maravilla

Photo source: The Lost Recipe

Saad ng talented na singer, “First time ko po kumanta ng song na gagamitin para sa teleserye.”

Dugtong pa niya, mas naging espesyal pa umano dahil maraming nag-aabang sa nalalapit na pagsisimula ng The Lost Recipe.

“Madami ang nae-excite sa The Lost Recipe, kaya nakakakilig lang po na para sa teleserye ko pa ito gagawin.

Nagpasalamat din si Jennifer sa pagkakataong nakuha niya para makakanta sa isang serye ng GMA.
“Honored po ako at masaya po ako sa naging experience ko. Grateful po sa lahat ng bumubuo ng The Lost Recipe. Thank you for giving me the opportunity.

Ang theme song na gagamitin ng The Lost Recipe ay pinamagatang “Abutin.” Ayon kay Jennifer, maganda ang mensahe ng awiting ito dahil magsisilbing inspirasyon sa mga katulad niyang nangangarap.

Saad ni Jennifer, “Para sa akin, sobrang ganda nung song na Abutin. Inspirational siya. Marami, I think, ang nakakaalam na galing ako sa The Clash, at isa talaga sa katangian naming mga kontesera, palaban kami sa aming pangarap. Kaya sobrang naka-relate ako sa kanta na 'to.”

Kuwento pa ni Jennifer, ang mga taong patuloy na nagsusumikap at lumalaban para sa pangarap ay siguradong makaka-relate sa kanta.

“I believe marami rin po sa ating mga Kapuso na patuloy na nagsusumikap para sa kanilang dreams and goals ang makaka-relate rin.”

Abangan ang kantang "Abutin" at ang iba't ibang mga theme songs na handog ng The Lost Recipe. Subaybayan naman mamayang gabi ang pagsisimula ng The Lost Recipe, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

Kilalanin ang iba't ibang mga karakter na mapapanood sa fantasy romance series na The Lost Recipe sa gallery na ito: