
Magiging mas abala ngayon ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado matapos magtayo ng isang bagong business venture. Kamakailan lang ay inilunsad ng Asia's Ultimate Star ang skincare product line nila na DLN Skin.
Full support naman ang asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo, at kanilang mga anak sa bagong venture na ito.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay Jennylyn para sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, June 27, ibinahagi ng aktres na marami siyang nakalinyang proyekto ngayong taon.
"Abangan nila, meron akong guesting sa isang show. Secret! Basta panoorin na lang nila. And siyempre 'yung album ko, ire-release na namin finally, natapos na namin after two years ng pagre-record, ila-launch na namin 'yung album. And hopefully, may pelikula, sana this year," sabi ni Jennylyn.
Maging ang asawa ni Jennylyn na si Dennis, abala sa taping ng bago niyang serye na Hari ng Tondo kasama si Kapuso Action Hero Ruru Madrid. Pagbabahagi ng Kapuso Drama King, naka-ilang taping days na rin siya para sa bago nilang serye.
Tungkol naman sa pakikipagtrabaho kay Ruru, sabi ni Dennis, "It's always a pleasure working with him kasi talagang napaka-dedicated ng bata na 'yun, napakabait. Wala akong masabi sa working ethics niya at saka sa pakikisama niya sa mga tao.
Matatandaan na noong 2024 ay inilunsad muli ni Jennylyn ang kaniyang salon business sa bagong pangalang DYLN Style Lounge na ipinangalan nila sa kanilang bunsong anak na si Dylan Jade.
“As I relaunch the brand, it's only fitting to change the name as well to welcome the change that's about to come as we formally expand our humble family,” sabi ni Jennylyn.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAGTAYO NA RIN NG KANI-KANILANG MGA NEGOSYO SA GALLERY NA ITO:
Samantala, taong 2023 naman nang ibalita ni Jennylyn na magbabalik na siya sa musika at gagawa ng bagong album. Sa isang Facebook post, makikitang ka-meeting ng aktres ang ilang tao mula sa Star Music na nagpo-produce ng naturang album.
“First meeting pa lang to discuss the songs, super kinikilig na ako, exciting to mga bessie! Talagang pinaghahandaan namin ng team ng Star Music para sa inyo #comebackalbum,” sulat ni Jennylyn sa kaniyang post.
Panoorin ang panayam kina Jennylyn at Dennis dito: