Kahit kabado sa kanilang muling pagtatambal, tuloy ang pagpapakilig nina Jennylyn at Dennis sa kanilang mga fans through their Instagram posts. By MICHELLE CALIGAN
Kahit kabado sa kanilang muling pagtatambal, tuloy ang pagpapakilig nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang mga fans through their Instagram posts.
Nagsimula nang mag-taping ang dating magkarelasyon para sa kanilang comeback series na My Faithful Husband, at pareho silang nagpasilip sa kung ano ang dapat abangan sa upcoming teleserye na ito.
Unang nag-post si Jen ng larawan ng kamay nila ni Dennis na may suot na wedding rings.