GMA Logo Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Alex Jazz
PHOTO SOURCE: mercadojenny (IG) and dennistrillo (IG)
Celebrity Life

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo share 'Ausome Family Day' event

By Maine Aquino
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated April 3, 2026 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Katrina Halili goes on El Nido trip with Kris Lawrence: ‘This is where everything resets’
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Alex Jazz


Panoorin ang naganap sa “Ausome Family Day” na inihanda ng DenJen.

Ipinakita nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang inihandang “Ausome Family Day” para sa autism awareness.

Saad ng Kapuso couple sa kanilang collaboration post sa Instagram, "An Ausome Family Day filled with laughter, love, and connection… "

Tampok sa video na ito ang mga naganap sa kanilang inihandang araw na puno ng masasayang activities para sa mga diagnosed na may autism. Inihanda ito ng DenJen para magbigay ng kaalaman tungkol sa autism spectrum.

Kasama sa espesyal na araw na ito ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz.

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Alex Jazz

PHOTO SOURCE: mercadojenny (IG) and dennistrillo (IG)

Naiulat din sa 24 Oras Weekend ang kanilang “Ausome Family Day.” Kuwento ni Jennylyn, “Masaya kami na mabigyang saya 'yung mga taong nandito, makatulong sa kanila. Mabigyan ng awareness 'yung mga tao siyempre, hindi pa talaga familiar sa kanila 'yung autism.”

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Alex Jazz

PHOTO SOURCE: mercadojenny (IG) and dennistrillo (IG)


Saad naman ni Dennis ang mensahe sa mga pamilya na mayroong na-diagnose na autism.


“Pinakamahalaga 'yung huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Huwag kayong susuko, huwag kayong bibitiw dahil kailangan ng bawat isa 'yung mga suporta ng magulang.”

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Kasama rin sa event na ito ang The Secrets of Hotel 88 stars na sina Empress Schuck at si Mika Salamanca na nag-promote ng kaniyang librong Lipad.

Famous parents opening up about raising kids with special needs