GMA Logo Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Celebrity Life

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang kanilang mountain hideaway

By EJ Chua
Published December 20, 2021 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dawn fire displaces over 25 families in Bacolod City
2025 SEA Games: Alas Pilipinas outlasts Vietnam, bags bronze in men’s volleyball
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo


Newlywed couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang itsura ng kanilang future home sa isang bundok.

Another goal unlocked!

Sa ikawalong episode ng “After All” YouTube series na ginagawa nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip nila ang isa sa kanilang future homes.

Seven months ago nang masimulan ang construction ng tinatawag nilang mountain hideaway.

Matapos ang pitong buwan, bumalik sina Dennis at Jen sa bundok upang bisitahin at tingnan ang progress ng kanilang future home sa isang bundok.

At ayon kay Dennis, nasa 70 percent na ang completion nito.

Kuwento pa ni Dennis, “Naisip namin na magiging beneficial para sa amin na dito mag-stay dahil dito sa bundok, presko ang hangin, presko ang pagkain at ito 'yung perfect location para magpatayo ng bahay para sa aming lumalaking pamilya.”

Masayang ipinakita ng Kapuso couple ang ilang bahagi ng kanilang mountain hideaway.

Courtesy: Jennylyn Mercado (Youtube)

Ilan dito ay ang future rooms ng kanilang mga anak na sina Calix, Jazz, at ang nursery room ng paparating nilang baby girl.

Ipinasilip din nila ang kanilang kwarto at ang lugar kung saan ipupwesto ang kanilang view deck.

Courtesy: Jennylyn Mercado (Youtube)

Sa dulong bahagi ng kanilang vlog, excited na sinabi ni Dennis na ilang buwan na lang ay lilipat na sila sa kanilang mountain hideaway.

Nito lamang November 15, nagsimula na ang journey to forever ng Kapuso couple nang ikasal sila sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding.

Samantala, tingnan ang kasal nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa gallery na ito: