GMA Logo Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
What's on TV

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinakikiligan sa 'Sanggang-Dikit FR'

By Jansen Ramos
Published September 10, 2025 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pokémon cards sa tindahan, pinuntirya ng mga armadong kawatan sa US
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl
Arnie Teves, 2 others acquitted in 2019 murder case

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo


Nagpakilig ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil sa kanilang kissing scene sa GMA Prime action series na 'Sanggang-Dikit FR.'

Puno ng aksyon at kilig ang mga eksena sa sinusubaybayan GMA Prime series gabi-gabi na Sanggang-Dikit FR.

Pinainit nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang maaaksyong tagpo sa serye dahil sa matamis nilang halikan na ipinalabas noong Biyernes, September 5.

Ito ay matapos sagipin ng karakter ni Jen na si Bobby si Tonyo, karakter ni Dennis, mula sa police killer na si Mandong Warak (Michael Agassi).

Noong una ay nagalit pa si Tonyo kay Bobby dahil ayaw nitong mapahamak ang kanyang kapwa pulis, pero napawi rin ito nang bigla siyang halikan ng huli.

Umaasa tuloy si Tonyo kay Bobby pero ayaw nitong madaliin kung ano ang namamagitan sa kanila ng binata, alinsunod sa advice ng lola ng dalaga na si Lola Isang (Nova Villa) na huwag magpaka-easy to get.

Samantala, maging ang online viewers ay kinilig sa tambalan ng mag-asawang Dennis at Jennylyn sa Sanggang-Dikit FR dahil sa kanilang chemistry on-screen.

Sabi sa isang comment, "Grabe talaga chemistry ng DenJen. Iba talaga! Hindi nawawala kahit mag asawa in real life. Good actors kase talaga kayo eh."

Ayon naman sa isa pang nagkomento, tila raw mga teenager ang DenJen dahil sa kanilang cute, intimate scene.

"DenJen ang pabebe nyo jan. Nag kiss na pero deny pa rin. Super kilig this episode lakas maka teenager hahaha."

Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.

RELATED CONTENT: Photos that prove Jennylyn Mercado and Dennis Trillo are perfect for each other