
"A new family business is in the works! Revealing soon!"
Ito ang caption ni Kapuso actress Jennylyn Mercado sa kaniyang instagram post kamakailan kung saan makikita ang pagpirma nila ng kontrata ni The Legal Wives actor na si Dennis Trillo para sa kanilang bagong negosyo.
Hindi naman napigilang mag-comment ni Kapuso Primetime Drama King sa third picture ng post na ito kung saan caught in the act ang kaniyang awkward moment.
“Favorite ko yung third pic” comment ni Dennis.
Sa ngayon ay wala pang ibang impormasyon patungkol sa bagong negosyong ito ng dalawa.
Samantala, napapanood ngayon si Dennis Trillo sa GMA Primetime Series na The Legal Wives bilang si Ismael na may tatlong legal na asawa na ginagampanan nina Andrea Torres bilang si Diane, Alice Dixson bilang si Amirah, at si Bianca Umali bilang si Farrah.
Bukod sa negosyo, abala rin ngayon si Jennylyn para sa kaniyang bagong GMA series na Love.Die.Repeat kung saan first time niyang makakatambal ang newest Kapuso na si Xian Lim.