GMA Logo
What's Hot

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, may mga aaminin sa kanilang love life sa "CoLove LIVE"

Published January 9, 2020 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Sa unang pagkakataon, bubuksan ng real-life couple ang kanilang pribadong mga buhay at sasariwain ang matatamis at mapapait na pinagdaanan ng kanilang relasyon sa one night only musical treat na "CoLove Live."

Muling babalikan ng ultimate star na si Jennylyn Mercado at ng award-winning actor na si Dennis Trillo ang kanilang love story sa pamamagitan ng musika sa kanilang upcoming concert na “CoLove LIVE” ngayong darating na Pebrero 15 (Sabado), 7PM sa New Frontier Theater.

Sa unang pagkakataon, bubuksan ng real-life couple ang kanilang pribadong mga buhay at sasariwain ang matatamis at mapapait na pinagdaanan ng kanilang relasyon sa one night only musical treat na ito na ididirehe ni John Prats kasama ang musical director na si Adonis Tabanda.

“Ever since, mahilig talaga kami ni Dennis sa music. Isa ito sa mga bagay na talagang passionate kami pareho kaya naman ngayong love month, gusto naming maipadama sa mga tao ang saya at sakit ng pag-ibig through songs na kami mismo ang pumili ni Dennis,” sabi ni Jennylyn.

“Sobrang totoo lang yung paglalahad namin ng aming kwento dito. Kung ano yung totoong pinagdadaanan ng mga taong nagmamahal, iyon na iyon. Kaya natutuwa kami na katrabaho naming si direk kasi natumbok nya bawat emosyon na gusto naming ipadama sa kung paano niya nilatag yung show,” dagdag ni Dennis.

Ang “CoLove” ay isa sa mga show na napapanood sa YouTube channel ni Jennylyn kung saan nagja-jamming sila ni Dennis sa mga 80s at 90s hit song kasama ang iba't ibang guest musicians at artists. Di inakala ng dalawa na magiging hit ito online kaya naman ang kanilang munting passion project, ngayon ay umani na ng mahigit 15 million views.

“Sobrang unexpected. Ang gusto lang namin noon ay ibalik itong napakagagandang mga kanta mula sa 80s at 90s at ibahagi sa lahat ang musika na kinalakihan at minahal namin,” sabi ni Jen.

Nang dahil sa joke ng kanilang YouTube channel manager na si Jan Enriquez, kung kaya't nagkaroon ng “CoLove LIVE” na concert.

“Nung sinabi ni Jan na 'soon dadalhin na natin ang CoLove sa concert stage,' kami ni Dennis parehong, 'hmmm, why not?' Kaya naman tinawagan ko agad ang manager ko na sina Tita Becky at Katrina Aguila at ayun dun na nag-start. Malalaman ko na lang may venue na kami tapos may pre-prod meeting, brainstorming, ganyan.”

Bukod kay John, magiging guest performers din ang iba pa sa mga kaibigan nina Jennylyn at Dennis sa industriya kabilang ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, Carlo Aquino, Alex Gonzaga, Janno Gibbs, Nyoy Volante, Kim Molina, Jerald Napoles, Nar Cabico, Nico Antonio at Juan Miguel Severo.

Personal naman na pinili at inimbitahan ng dalawa ang OPM icon na si Jay Durias at isa sa hottest rock bands ngayon na Juan Karlos para maging special guest.

Ang “CoLove LIVE” ay prinoduce nina Jennylyn at Dennis sa pakikipagtulungan sa Becky Aguila Artists Management, Quantum Films, GMA, Real Green, at Merry Sun.

Para sa tickets, tumawag sa Ticketnet sa 8911-555 or bumisita sa www.ticketnet.com.ph. Mabibili ang ticket sa halagang P5,000 (SVIP), P3,500 (VIP), P2500 (Orchestra), P1,200 (Upper Balcony), at P800 (General Admission).