GMA Logo Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
What's Hot

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, naghatid ng tulong sa isang senior citizen na na-stroke sa Davao

By Jansen Ramos
Published August 5, 2020 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Police investigate bomb threat at Chicago-area home of Pope Leo's brother
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado


Nagbigay ng pera pambili ng gamot, prutas, at iba pang pagkain sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa isang senior citizen na na-stroke sa Davao.

Naghatid ng tulong sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa isang senior citizen na na-stroke sa Santo Tomas, Davao.

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

Ayon sa Facebook post ng anak nitong si Jean Pearl Tangaro, nagpadala ng pera sina Jennylyn at Dennis sa kapatid niyang si Bernsky Bergante Tangaro para pambili ng gamot, prutas, at iba pang pagkain ng kanilang ama.

Sabi niya, "Thank you, Ma'am Jennylyn Mercado and Sir Dennis Trillo for extending your help through our ate Bernsky Bergante Tangaro. It's such a big help, you're an angel sent from above.. Dahil sa inyo, nakabili po si Papang ng gamot, prutas at mga pagkain.

"Hindi po mapapantayan ang mga ngiti na nasilayan namin sa kanyang mga labi.. I know po na always kayong i-be-bless ni Lord dahil you're such an amazing person, beautiful and handsome inside and out. Sana po marami pa kayong matulungan. Stay safe po kayo palagi. Godbless and we love you both."

Ani pa ni Jean Pearl, nagpapasalamat sila sa Panginoon dahil may mga taong handang tumulong sa gitna ng pandemya.

Bahagi niya "No words can explain how grateful ang blessed we are💕💕🙏🙏🙏. Thankful kaayu mi ky Lord Kay Bisan sa kalisod tungod sa pandemic gi blessed jpun mi Niya pinaagi sa pag sent ug Tao na mutabang sa amua specially sa akung papa na na stroke, daku kaayu iyang kalipay pagkabalo Niya nga naay nihatag ug tabang sa iyaha..(We are so thankful to the Lord because even in hardships because of the pandemic, he blessed us by sending people to help all, especially to my father who had a stroke. He is so happy to know that someone gave him help.)"

Nagpasalamat din ang ina ni Jean Pearl kina Jennylyn at Dennis. Aniya, malaking tulong ang ibinigay ng Kapuso couple sa pagpapagaling ng kanyang asawa. Sana raw ay mabigyan pa sila ng maraming biyaya para marami pa silang matulungan.

Noong Mayo, lumahok sina Jennylyn at Dennis sa concert series na Bayanihan Musikahan para makalikom ng donasyon para sa mga apektado ng COVID-19 crisis.