
Nasa Milan, Italy na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para mag-shoot doon ng ilang eksena para sa bago nilang action series na Sanggang-Dikit FR.
Ayon kay Jen, naghanda sila ni Dennis physically at mentally dahil puro fights at stunts ang ishu-shoot nila sa Italy.
Aniya sa panayam ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, "Ako, first time ko gagawa ng action series. Si Dennis, 'di na ito bago sa kanya, pero first time ito na magkasama kami na ganitong genre."
Isinama ng Kapuso Royal Couple sa byahe ang kanilang three-year-old daughter na si Dylan dahil mase-sepanx daw ito dahil dalawang linggo silang magte-tape abroad.
Bukod sa Milan, magshu-shoot din ng ng ilang eksena sina Jennylyn at Dennis sa Zurich, Switzerland at sa Dubai, UAE, kasama ang co-stars nilang sina Joross Gamboa at Liezel Lopez. Dadalo rin sila sa ilang events abroad na katuwang ang GMA Pinoy TV.
Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, simula June 23, sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.
Ang Sanggang-Dikit FR ay mula sa direksyon ni LA Madridejos at mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group.