What's Hot

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, tanggap ang pagkakaiba ng isa't isa

By Jansen Ramos
Published July 23, 2020 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado hugging Dennis Trillo


Natutunan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA na magmahal nang walang panghuhusga.

"Magmahalan tayo."

'Yan ang bungad nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang mensahe sa GMA para sa ika-70 anibersaryo nito.

Ayon sa celebrity couple, ang pinakamahalagang aspeto ng pag-ibig na natutunan nila sa Network ay ang pagtanggap sa pagkakaiba ng bawat isa.

"Ang pinakamahalagang aspeto ng pagmamahal ay ang pagtanggap natin sa ating pagkakaiba nang walang panghuhusga.

"Ganyan kasi tayo magmahal, mga Kapuso, walang pinipili, buong-buo," sambit nila.

Sa ngayon, going strong ang relationship nina Jennylyn at Dennis.

Matatandaang naulat na nag-break ang dalawa noong 2011 pero nagkabalikan din noong 2015, kung kailan sila nagtambal para sa GMA series na My Faithful Husband.

Ang mga isyung selosan at immaturity ang umano'y dahilan ng kanilang hiwalayan noon.

Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, itinuturing ni Jennylyn si Dennis bilang kanyang "greatest love." Samantalang "the one" naman kung tawagin ni Dennis ang kanyang long-time girlfriend.

Parehong may anak sina Jennylyn at Dennis mula sa kanilang dating nakarelasyon.

11 years old na ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz, sa aktor na si Patrick Garcia.

Samantalang 12 years old naman ang anak ni Dennis na si Calix, sa beauty queen na si Carlene Aguilar.