What's Hot

Jennylyn Mercado at Mark Herras, hindi aatrasan ang daring scenes ng 'Rhodora X'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Huling nakita ang tambalang Jennylyn Mercado at Mark Herras sa isang drama series noong 2009. Pagkaraan ng apat na taon, handa na raw silang gumawa ng mas mature at daring scenes tulad ng hihingiin ng "Rhodora X." Posible kayang magkabalikan din sila?

They last worked as a love team in the drama series Ikaw Sana back in 2009.

Now, Jennylyn Mercado and Mark Herras are back together onscreen in the upcoming primetime soap Rhodora X.

In a pocket press conference held last November 19, the Ultimate Male and Female Survivors of Starstruck 1 opened up about their latest project, their daring scenes, and the possibility of a reconciliation.

"Sa Rhodora X, gusto naming ipakita sa mga manonood, gusto namin na ma-realize nila kung gaano ba nila kakilala 'yung mga taong mahal nila, 'yung mga taong malalapit sa kanila. Gusto naming ipakita kung gaano ka-interesting ang show na ito kasi dito nila mare-realize na parang 'Oo nga no? Kilala na ba talaga namin ang mga taong mahal namin?' Dito ipapakita rin namin na pati 'yung family members namin, parang may iba rin sa kanila," shares Jennylyn.

Paano naman siya naghanda para sa title role ng isang babaeng may psychological problem?

"Ginawa talaga kaming mentally ready for this kasi it's very hard, it's difficult, especially ang character na ipo-portray ko, very challenging for me. And siguro kung hindi matibay ang pag-iisip ko dito baka madala ko na 'to. Importante na I'm mentally ready and stable," she adds.

Tinanong naman ng press kung handa na ba si Mark sa mas daring na scenes na hihingin ng script. "Wala pa namang sinasabi sa amin or sa script, pero hindi naman din ito 'yung panahon para mag-inarte or tumanggi, like 'Hindi ko kaya yan.' Magtu-27 na ako this year. Kayang-kaya na naming gawin 'yun."

Sumang-ayon naman dito si Jen. "Lagi namang comfortable eh. Kasi kami naman ni Mark, ever since we started, lahat na yata ng eksena nagawa na namin, so bakit pa kami mahihiya, ngayon pa? Sanay na rin kami sa isa't isa, and alam naman ng lahat 'yun."

Hindi naman nakaiwas ang dalawa sa tanong kung may posibilidad ba na magkabalikan sila. Ayon kay Mark, hindi siya magsasalita ng tapos. "Ayoko munang pangunahan lahat, ayokong magsalita ng tapos. In the end, kung ano man ang nariyan, friends kami ni Jen. Ito na naman ang opportunity na binigay sa amin ng network, to work together, na mas palawakin ang love team ng Mark and Jen. Siguro mas palalalimin lang namin 'yung friendship namin dito sa trabahong 'to para mas makita ng mga audience na okay kami ni Jen to work together."

After they broke up a few years ago, the two have remained close friends, with Mark being the godfather of Jennylyn's son Alex Jazz.
"Kami naman ni Jen, after ng kung ano man ang nangyari, past is past. Ten years na kami, at hindi naman kami everyday nagkikita sa mundo ng showbiz. Pero minsan magkikita kami dahil sa trabaho or kapag nag-reunion ang grupo namin, ang pangit naman siguro kung hanggang ngayon masama pa rin ang loob namin sa isa't isa," says Mark.
Dugtong ni Jen, "Ever since naman hindi kami nagkaroon ng problema pagdating sa trabaho. Basta trabaho, simula nung pagkatapos kong manganak, siya ulit 'yung naging katrabaho ko. And kami ni Mark, special kami sa isa't isa. Kumbaga sa friends namin, special pa rin 'yung trato namin sa isa't isa."
Abangan ang pagbabalik-tambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa Rhodora X, soon on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com