
Kinilig ang ilang movie goers sa Gateway Mall sa Quezon City nang makita nila ang kanilang mga iniidolong sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Sam Milby sa nasabing mall kamakailan.
Nagkaroon ng surprise ticket selling ang Everything About My Wife stars doon para i-promote ang kanilang rom-com film, na mapapanood na simula February 26 sa mga sinehan.
Nagkaroon ng oportunidad na makapagpakuha ng litrato ang fans sa mga bigating artista, kasama ang TikTok star na si Joyang na parte rin ng cast ng Everything About My Wife.
Ang Everything About My Wife ang pagbabalik-rom-com ni Jennylyn na kinikilala bilang "Queen of Romantic Comedy Movies." Philippine adaptation ito ng Argentinian movie na Un novio para mi mujer (A Boyfriend for My Wife) na ni-remake din sa ibang bansa.
Unang rom-com film ito nina Jennylyn at Dennis bilang mag-asawa. Samantala, reunion project naman ito para kina Jennylyn at Sam, na dati nang nagtambal sa pelikula.
Mula sa direksyon ni Real Florido at sa panulat ni Rona Co, ang Everything About My Wife ay collaboration ng CreaZion Studios at GMA Pictures, kasama ang Glimmer Studio.
KILALANIN ANG BUONG CAST NG ROM-COM FILM SA GALLERY NA ITO: