
Inulan ng papuri ang Ultimate Star Jennylyn Mercado matapos mapanood ng entertainment press ang pilot episode ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa grand media conference nito kagabi, January 30 sa GMA Network Studio 7.
LOOK: The medical team of 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)'
Ayon sa mga ito, litaw na litaw ang on-screen chemistry ni Jen at ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Ayon kay Jennylyn Mercado, malaking tulong ang previous show nilang StarStruck para maging magaan ang loob nila sa isa't isa.
Aniya, “Dahil po may foundation kami, 'yung friendship naman. Nagkasama kami sa Encantadia 'tapos nag co-host po ako sa StarStruck.
“Malaking tulong 'yung StarStruck bago magsimula 'yung Descendants of The Sun kasi kahit papaano mayrun kaming chance na magkamustahan man lang di ba.
“Kasi, mas okay na may pambungad muna bago sumabak sa isang show.”
Natuwa din ang actress-singer sa kinalabasan ng kanilang pilot episode na parang isang pelikula.
“Masaya, tulad nga nung sinabi ko kanina sa description ko sa Descendants of the Sun, para siyang pelikula, 'yung hitsura niya, 'yung feel niya, 'yung ilaw.”
Challenging din ba kay Jen na gumanap bilang Dr. Maxine?
“Actually, pinakahirap na part doon 'yung mga medical terms at saka 'yung habang nag-o-opera ka ang dami mong sinasabi.
“Habang mahirap na 'yung ginagawa mo, ang dami mo pa sinasabi, ang mong inuutos, 'yung ganun. So, parang 'yun 'yung pinaka-challenging para sa akin.”
DongJen, pressured bang pantayan ang original 'Descendants of the Sun?'
Tumutok sa inaabangan pilot episode ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa darating na February 10 sa GMA Telebabad.