GMA Logo Jennylyn Mercado
What's on TV

Jennylyn Mercado, gusto ang challenge ng offbeat role niya sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar
Published July 22, 2021 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Refreshing water spray for kids as Europe faces heat wave
More accolades for Baterbonia as basketball idol is laid to rest
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado


Kakaibang Jennylyn Mercado ang mapapanood sa multi-episode series ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' na "Last People on Earth" dahil gaganap ang Ultimate Star ng tomboyish role bilang si Angel.

Kumasa sa hamon ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado para gampanan ang role ni Angel sa kuwento na Last People on Earth.

Malayong-malayo ang karakter sa past roles ni Jen sa drama or romcom series, dahil tomboyish ang galaw ng bida na si Angel.

Sa panayam ng Kapuso actress sa 24 Oras, kagabi, July 21, napa-oo daw siya sa project na ito ng weekly-magical anthology dahil ibang-iba ito sa mga nakikita ng manonood sa kanya.

Paliwanag ni Jennylyn sa Chika Minute, “Para maiba, gusto ko rin 'yung idea na wala talagang kahit ano. 'Tapos 'yung pananamit ko parang medyo boyish, 'tapos 'yung buhok ko walang ayos talaga, ginawa ko pa na medyo nakakatawa 'yung hitsura [laughs].”

Makakatambal ng Ultimate Star ang versatile actor na si Paolo Contis sa Last People on Earth na gaganap bilang Migs.

Source Chika Minute


Samantala, may ngiti sa mga labi ni Jennylyn Mercado nang mapag-usapan naman ang teenage son niya na si Alex Jazz na magdiriwang ng 13th birthday nito sa susunod na buwan.

Hindi daw makapaniwala si Mommy Jen na ang bilis ng pagdaan ng panahon at ang dati niyang baby ay binata na.

Aniya, “Ang bilis ng panahon kaya masasabi ko talaga sa mga mommies 'yung habang baby at habang maliliit pa sila, i-enjoy talaga nila 'yung moment kasi ang bilis nilang lumaki.”

Kaya kahit may pandemya ay sinusulit niya ang bonding moments with Alex. Kamakailan nag-hiking sila sa Tanay, Rizal kung saan kasama niya ang longtime boyfriend na si Dennis Trillo at anak nito na si Calix.

Ayon kay Jennylyn, hindi daw naging madali para sa kanilang grupo ang paghi-hike, dahil masama ang panahon.

“Nine hours 'yung hiking namin kahapon at umuulan walang tigil 'yung ulan kaya medyo nahirapan kami at medyo natagalan, kasi buong bahay namin talagang nag-hike.”

Dagdag niya na nakakabuti ang ganitong activities para kina Alex at Calix sa halip na nakakulong sa bahay.

“Para naman maiba, kasi kung tayo nga nahihirapan na lagi lang nakakulong sa bahay, ang dami na nagkakaroon ng anxiety or depression 'di ba, kumbaga parang ito 'yung way namin kung papaano ibe-break 'yun.” sambit ng Kapuso star.