GMA Logo dennis trillo and daughter dylan
Photo Source: mercadojenny (Instagram)
Celebrity Life

Jennylyn Mercado, hanga sa pagiging hands-on dad ni Dennis Trillo

By Jansen Ramos
Published January 11, 2024 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo and daughter dylan


Hinangaan ni Jennylyn Mercado ang asawang si Dennis Trillo sa pagiging ama nito sa isang taong gulang nilang anak na si Dylan: 'Kahit na galing ng taping, 1 a.m., 'di na 'yun matutulog... Aantayin n'ya 'ko magising tapos ako naman.'

Buo na ang pamilya ni Jennylyn Mercado ngayong may katuwang na siya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak matapos silang ikasal ni Dennis Trillo noong November 2021.

"Masaya dahil kumpleto na 'yung pamilya. Masarap sa pakiramdam na 'yung soulmate mo, kasama mo na ngayon," bahagi ni Jen nang makapanayam ng entertainment media sa media conference ng bago niyang GMA series na Love. Die. Repeat. na mapapanood na simula January 15 sa GMA Prime.

Gaya ng tema ng kanyang comeback TV project, mas naging masaya ang second chance at love nila ni Dennis matapos magkahiwalay at nagkabalikan din noon.

Ayon kay kay Jen, malaki ang kanilang pinagbago matapos sila maging husband and wife ng aktor.

Ika ng aktres, "Iba 'pag mag-asawa na. Maraming adjustments, kailangan maraming tanggapin, kailangan team kayo e, isang pamilya kayo, buo e. Kailangan lahat ng mga desisyon kayong dalawa, kailangan pag-usapan lahat. Kapag may mga plano, kailangan dalawa kayo hindi lang ako 'yung magde-decide. Kailangan dalawa na kayo."

Mas naging mature rin daw sila ngayong ganap na silang mag-asawa ni Dennis. "Kapag pala mag-asawa na, wala na masyadong selosan," ani Jen.

Thankful si Jen na nagkaroon siya ng kasama sa buhay sa katauhan ni Dennis.

Ani ng aktres, nagmistulang life coach niya ang mister nang kailangan na niyang bumalik sa trabaho para tapusin ang kanyang mga eksena sa Love. Die. Repeat.

Kwento ng Ultimate Star, "Syempre bago 'ko bumalik, 'yung kaba ko ibang klase. 'Di ko alam kung kaya ko ba bumalik kasi parang 'yung nerbyos ko, iniisip ko pa lang na bumalik, nanginginig na ko e. Si Dennis 'yung talagang parang life coach ko na 'kaya mo 'yan. Ganito lang 'yung gagawin mo. Enjoy ka lang. 'Wag mo isipin masyado.'"

Jennylyn on shared parenting with Dennis

Sinisigurado nina Jennylyn at Dennis na hands-on sila sa pagpapalaki sa kanilang isang taong gulang na anak a si Dylan Jayde.

Ayon kay Jen, patas ang kanilang hatian ni Dennis sa pag-aalaga.

"Bago mag-isang taon si Dylan, kami lang e. Wala kaming yaya. Noong bumalik na si Dennis sa trabaho, sabi ko ay kailangan na nating kumuha ng makakasama kasi 'di ko naman kaya mag-isa lalo't lumilikot na, hinahabol ko na. So kailangan ko nang makakasama.

"Mine-make sure namin na hindi lang kami sabay na wala sa bahay. Kailangan isa sa 'min meron. Good thing isa na rin 'yung management namin kaya naaayos naman mabuti 'yung schedule."

Mas na-enjoy raw ni Jennylyn ang pagiging ina sa second baby niya kumpara noong unang beses na naging mommy siya kay Alex Jazz, anak nila ng ex-boyfriend na si Patrick Garcia.

"Noon kasi iba 'yung sitwasyon ko kay Jazz. After ko manganak, kailangan kong bumalik agad ng trabaho kasi wala naman akong katuwang so hindi ko masyadong na-enjoy 'yung motherhood pero hands-on naman ako. Pero kailangan kong bumalik sa work, ako 'yung breadwinner ganyan. Wala akong kasama pero ngayon iba dahil kahit papaano meron akong katuwang. May nag-aalaga din sa 'kin. Ibang-iba siya."

Hinangaan niya rin si Dennis sa pagiging ama nito sa anak nilang si Dylan.

"Si Dennis very hands-on 'yun e. 'Di ko rin in-expect na parang ka-level ko 'yung pagka-hands-on n'ya. Kahit na galing ng taping, 1 a.m., 'di na 'yun matutulog kasi s'ya 'yung night shift. Ever since gano'n kami simula no'ng newborn si Dylan. Talagang 'di siya matutulog. Aantayin n'ya 'ko magising tapos ako naman. Papatulugin ko naman siya."

Mas maalaga raw sila ngayon sa kanilang anak na babae.

"Yung lalaki 'di sila masyadong maselan e, 'yung parang papatakbuhin mo, sige bahala ka diyan. 'Yung girl parang mas precious lang e, mas iingatan mo. Iba. Mas praning ako saka ang sarap ayusan, ang sarap damitan, 'di ba? 'Pag boy, T-shirt, polo, okay na 'yan, pants gano'n. 'Pag babae, iisipan mo pa ng outfit. Ano bang OOTD niya ngayon ganyan, 'yung clip niya ano ba? Gano'n."

Jennylyn and Dennis's blended family

Pinalaki rin nina Jennylyn at Dennis na very close ang mga anak nila na sina Jazz at Calix na mula sa mga dati nilang karelasyon. Si Calix ay anak ni Dennis sa dating beauty queen at girlfriend na si Carlene Aguilar.

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Kwento ni Jen, "Yung dalawa bonding nila video games. Si Kuya Calix kung ano 'yung trip ni Jazz, 'yun 'yung sinasakyan niya. Very kuya nga nakakatuwa saka inaalagaan n'ya si Jazz, inaalagaan n'ya si Dylan. Nakakatuwa, kuyang kuya talaga."

Hindi man tunay na magkapatid sina Jazz at Calix, tunay na anak ang turing ni Jen sa kanyang stepson. Lagi rin daw kausap ni Jen ang ina ni Calix na si Carlene.

"Si Calix ando'n s'ya sa mom n'ya pero every once in a while, sa amin nagbabakayon."

Lagi rin silang nagbabakasyon sa kanilang vacation house sa Tanay, Rizal na nakatulong sa overall health ng panganay na anak ni Jen na si Jazz na may special needs.

"Si Jazz, okay na okay. Na-e-enjoy niya sa Tanay. Sa Tanay kasi sila ngayon nag-stay so happy ako na maganda rin 'yung development ni Jazz tapos happy s'ya doon. Nakakapag-bike s'ya. Feeling ko mas maganda rin sa health kasi nasa probinsya, masarap 'yung hangin."