
Sunud-sunod ang proyekto ni Jennylyn Mercado ngayong taon kaya naman hindi niya akalaing mabibiyayaan siyang muli ng isa pang proyekto bago matapos ang taon.
Dalawang programa -- Love You Two at StarStruck -- ang ginagawa ng aktres noong nagsimulang mag-taping ang Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation kaya laking gulat niya na sa kanya inalok ang female lead role ni Dr. Maxine.
CONFIRMED: Jennylyn Mercado is Dr. Maxine in DOTS PH
Sabi ni Jennylyn sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, "Recently [ko lang nalaman na ako 'yung gaganap] kasi siyempre ang dami ko ring ginagawa. Kakatapos lang ng Love You Two. I think nags-start na yata sila, nagte-taping pa kami ng Love You Two kaya alanganin na rin ako. [Sabi ko] baka nga hindi ako."
Aminado si Jennylyn na kailangan niyang maghabol ng taping dahil marami nang na-shoot na eksena para sa upcoming series.
LOOK: Pinoy 'Descendants of the Sun,' nagsimula nang mag-taping
"Kailangan kong maghabol kasi siyempre kakatapos ko lang ng isang soap, talon ulit ako sa isa pang karakter kaya medyo mahirap. Medyo challenging para sa 'kin."
Pero kahit na minamadali niya ang pag-te-taping, sinabi niyang gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan ng hustisya ang pagganap sa karakter ni Dr. Maxine.
Sambit niya, "Pinag-aralan ko nang mabuti 'yung karakter n'ya. Kailangan talaga dikit ako do'n kay Dr. Kang."
Panoorin ang buong panayam dito:
IN PHOTOS: Jennylyn Mercado attends basic life support training under AFPHSC