
In talks sina Jennylyn Mercado at Janno Gibbs para sa susunod nilang gagawing music collab matapos ang mahigit isang dekada.
Binunyag ito ng dalawa sa latest vlog ng "King of Soul" at ng asawa niyang si Bing Loyzaga nang makapanayam nila si Jen at mister nitong si Dennis Trillo para sa kanilang YouTube channel.
Huling nagkasama sina Jen at Janno nang mag-guest ang huli sa YouTube series ng singer/actress na pinamagatang CoLove. Dito ay inawit nila ang kanilang hit duet na "If I'm Not In Love" (2004) mula sa GMA Records.
Sila rin ang kumanta ng theme song ng 2006 romance film na Moments of Love. Naglabas din sila ng kanilang version ng classic hits na "How Do I Live" (2013) at "Never Gonna Let You Go" (2014).
Dahil sa success ng kanilang duets, mina-manifest nina Jennylyn at Janno na "masusundan pa" ito ng music projects.
Panoorin ang vlog sa ibaba.
Noong July 2025, muling pumirma ng recording contract si Janno sa GMA Music matapos ang pitong taon.