GMA Logo jennylyn mercado on daig kayo ng lola ko
What's on TV

Jennylyn Mercado, magbibigay ng ningning sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' | Teaser Ep.

By Aedrianne Acar
Published July 6, 2020 6:07 PM PHT
Updated July 10, 2020 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado on daig kayo ng lola ko


Bukod kay Download Mommy (Yasmien Kurdi), tunghayan ang pagganap ni 'Ultimate Star' Jennylyn Mercado bilang kambal na sina Sheena at Mina sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' sa Linggo ng gabi, July 12.

Humanda sa sorpresa na magic na hatid ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa back-to-back story niya sa high-rating weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Mapapanood sa Linggo ang pagganap ng Ultimate star na si Jennylyn Mercado sa kanyang dual role sa unang part ng Daig Kayo Ng Lola Ko bilang kambal na magkaiba ang ugali na sina Sheena at Mina sa 'Kokak at Bulaklak.'

Sa sobrang saya naman ni Kring (Mikee Quintos) sa piling si Download Mommy (Yasmien Kurdi), baka tuluyan na niyang makalimutan ang tunay niyang ina.

May kapalit ba ang paggamit ni Kring sa magical app?

Sundan ang pagpapatuloy ng kuwento na ito kung saan bida sina Mikee Quintos, Yasmien Kurdi at Manilyn Reynes sa second part ng kuwento ni Lola Goreng.

Busog na naman kayo, kids, sa matutunan na lesson kay Lola Goreng!

Tumutok sa kambal na sina Sheena at Mina sa oras na 7:05 P.M at susundan naman ito ng "Download Mommy" sa ganap na 7:45 P.M. sa July 12 pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.