
Puno ng kilig vibes ang madlang people kasama ang multi-awarded Kapuso star na si Jennylyn Mercado!
Nitong Lunes (August 31), masayang bumisita si Jennylyn sa fun noontime program na It's Showtime.
READ: Vice Ganda, thankful sa mga patuloy na sumusuporta sa 'It's Showtime'
Bilang munting handog, inawit ng Kapuso star ang kanyang bagong single na “'Di Man Masabi.”
"First love mo talaga 'tong singing. Ang husay-husay mo talaga," papuri ni Karylle.
"Na-miss ko 'yan tinig mo 'yan. Napakatagal kong 'di narinig," dagdag ni Ogie Alcasid.
READ: How Jennylyn Mercado turned star power into serious business success
Maliban sa madamdaming awitin, game na game rin si Jennylyn na sumabay sa mga kulitan at tawanan ng hosts.
Kabilang na rito ang nakakatawang skit nila ni Ryan Bang at ang pagsabak niya sa “Ooh Lala Baby” dance challenge!
Patuloy ang good vibes nang ipinasilip din ni Jennylyn ang kanyang naging pagbisita sa noontime show.
Marami ang naaliw nang mag-post ang aktres ng kanyang dance practice ng “Ooh Lala Baby” kasama ang Showtime Babydolls.
READ: Meet 'It's Showtime' Baby Dolls
"Mas nirehearse ko talaga to mga bessie! Favorite to ni Dylan e kaya dapat very good si Mama. I hope you're proud of me anak," ani Jennylyn.
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Silipin ang iba pang Kapuso celebrities na bumisita sa It's Showtime dito: