Nape-pressure ba si Jennylyn dahil siya ay napili bilang bagong judge sa 'StarStruck?'
By CHERRY SUN
PHOTO BY MERYL LIGUNAS, GMANetwork.com
Sa pagbabalik ng original reality artista search ay magkahalong pressure at excitement ang nararamdaman ni Jennylyn Mercado bilang bagong StarStruck judge.
“May konting pressure kasi first time ko. Buong buhay ko, ngayon lang ako magiging judge eh. Excited din ako kasi gusto ko na makita ‘yung mga contestants," ani Jen sa panayam ng 24 Oras.
Kuwento niya ay mapapa-flashback din daw siya sa kanyang experiences dati bilang isang artista hopeful.
“Hindi namin alam kung ano ba pinasok namin, ganyan. Feeling ko nararamdaman ko kung ano ‘yung pakiramdam nila ngayon,” bahagi niya.