What's Hot

Jennylyn Mercado, naghahanda na para sa kanyang next Kapuso project

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 7:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang next project ng Ultimate Star na kinailangan pa ni Jen na mag-train under beauty queen maker Jonas Gaffud?


Naghahanda na si Ultimate Star Jennylyn Mercado para sa kanyang susunod na proyekto sa Kapuso network. Kabilang sa kanyang preparasyon ay ang personality development at pagpapatuloy ng ilan pa niyang physical activities.

Sumabak si Jennylyn sa training ng beauty queen maker na si Jonas Gaffud.

LOOK: Jennylyn Mercado trains with beauty queen-maker Jonas Gaffud

“Siguro ako na ‘yung pinakapangit talaga maglakad sa industriya, ganun. Kailangan ko talaga mag-aral ng posture and tamang walking, tapos naka-heels,” pahayag niya sa panayam ng 24 Oras.

Nakakatulong din na magpanatili ng kanyang kaseksihan ang paglangoy at pilates lalo na at hindi siya nakakapunta sa gym ngayon.

“Maganda siya for flexibility lalo na hindi naman ako bumabata. Kailangan natin pa rin maging flexible. Strengthening tapos para rin ma-tone ‘yung muscles,” sambit ng aktres.

Sa parehong ulat ni Nelson Canlas ay ibinahagi ni Jennylyn ang kanyang saya dahil ika-limang season na ng kanyang cooking show. Dahil daw sa programang ito ay nagagawa niya ang kanyang hobby sa pagluluto. Aniya, siya ang naghahanda ng pagkain ng kanyang anak na si Alex Jazz.

Kuwento niya, “Mahilig siya sa ulam na matamis, adobong matamis, mga ganyan, tocino. 'Pag meron akong free day, ako gumagawa.”

Video courtesy of GMA News


MORE ON JENNYLYN MERCADO:

READ: Jennylyn Mercado declares there is no competition among Kapuso stars
 
LOOK: 12 photos that prove Jennylyn Mercado is the hottest Ultimate Star