What's Hot

Jennylyn Mercado, naging bike instructor ni Alex Gonzaga for a day

By Marah Ruiz
Published February 22, 2020 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Alex Gonzaga in a vlog


Tinuruan ni Jennylyn Mercado na sumakay ng bike si Alex Gonzaga sa latest vlog nito.

Laugh trip na naman ang hatid ni Alex Gonzaga sa kanyang latest vlog kung saan nagpaturo siyang sumakay ng bike kay Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Bukod kasi sa pagiging aktres at singer, triathlete din si Jennylyn. Ang sport na ito ang pinaghalong swimming, biking at running.

Pumunta si Alex sa bahay ni Jen na nasa loob ng isang pribadong subdivision.

"Never akong nakapag-bisikleta ever in my life, sabihin ko sa 'yo ah," panimula ni Alex.

"Kaya kung ito na 'yung maging last na vlog, siya ang sisihin niyo," biro pa nito.

Ginamit ni Jen ang kanyang road bike, habang may dalang sariling biskleta si Alex.

"Bakit hindi ka natutong mag-bisikleta?" tanong ni Jen kay Alex.

"Okey ganito 'yung kuwento. Ang ate ko nag-biskleta siya. Sabi niya 'Ako muna mag-aaral mag-bisikleta.' Tapos pagdating niya sa bahay, sugat-sugat siya.

"Kasi daw sabi daw noong nagtuturo, kailangan magkaroon ka muna ng dose na sugat para matuto ka," kuwento ni Alex.

"Hindi totoo 'yan. Hindi ako nagkasugat, kahit isa," sagot naman ni Jen.

Panoorin ang latest vlog ni Alex kung saan kinantiyawan niya si Jen tungkol sa isa sa mga ex-boyfriend nito at sa panonood ng mga programa ng kabilang istasyon.


Bahagi si Jennylyn ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation). Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.