
Hahamunin ng tadhana si Jennylyn Mercado sa kanyang pagganap bilang si Cynthia sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, August 27.
Isa si Cynthia sa milyon-milyong tao na in love sa ideya ng tadhana. Kaya naman, ramdam niyang kumilos ang tadhana nang makilala niya si Felix (Mark Herras). Para sa kanya, si Felix na ang pag-ibig na matagal na niyang hinihintay.
Nagkatuluyan sila at hinayaan ang tadhana na magpatakbo ng relasyon nila. Pero, isang araw ay magugulat na lamang si Cynthia sa balitang inayos na pala ng kanyang ina ang arranged marriage niya sa negosyanteng si Jason (Dion Ignacio).
Total opposites sina Felix at Jason. Kung free-spirited si Felix at gingawa ang lahat ng bagay na maisip at magustuhan, napaka-organized at prim and proper naman ni Jason.
Sino na kaya ang pipiliin ni Cynthia? Tutok na sa kuwentuwaang ito ngayong Linggo, August 27, sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology, ang Dear Uge!