Celebrity Life

Jennylyn Mercado on her son entering showbiz: "Ayoko pa rin!"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 24, 2020 7:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni Jennylyn na huwag munang pag-artistahin ang anak na si Alex Jazz kahit pa maraming offers na dumarating para sa bata. Ano nga ba ang dahilan ng Kapuso actress/host? 

Sa pictorial ng Anak Ko 'Yan last August 2013 unang naitanong ng GMANetwork.com kay Jennylyn Mercado kung gusto ba niyang mag-artista din ang kanyang unico hijo na si Alex Jazz.

Hindi daw niya papayagan si AJ, na five years old na ngayon, na pumasok sa showbiz. Ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang hirap na pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siya, pati na rin ang pagod at puyat sa taping, at mga intriga na posibleng kakaharapin nito.

"Hindi ko papayagan! Ako na lang siguro, huwag na siya. Hanggang pictorial na lang, pero siguro pagdating sa showbiz, I don't think kakayanin ko pa," paliwanag niya.

Makalipas ang ilang buwan, hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni Jen nang aming makapanayam sa Rhodora X mall show last January 24. In fact, hindi nga dinadala ni Jen ang anak sa taping dahil ayaw niya itong magkasakit.

"Alam mo naman ang environment ng taping, minsan medyo magulo, iba-iba ang location niyo. Hindi mo alam kung maalikabok ba, kung may bacteria ka bang makukuha. Ayoko mag-risk na dalhin siya sa mga ganung lugar. Ang hirap kasi kapag nagkakasakit ang bata."

Jen also shared that AJ has appeared in print ads and a milk commercial, pero hanggang doon na lang daw muna iyon.

"Sabi ko, i-try ko lang ang commercial na 'to kung kakayanin ng bata. Pero kapag magkakaroon siya ng hard time doing this, I can't continue. Gusto ko pa rin na naka-focus siya sa studies niya at i-enjoy ang childhood niya bilang normal na bata. "

Kinaya naman kaya ni Jazz ang paggawa ng isang commercial?

"Kaya niya, at nag-eenjoy siya surprisingly. Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa ng tama. Siguro dahil pareho kami ng tatay niya na artista, pero ayoko pa rin! Hahaha!"

Catch Jennylyn Mercado as Rhodora and Roxanne in Rhodora X, weeknights after Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com