
Sa exciting na pagbabalik ng StarStruck sa GMA Network ay magiging host na ang Ultimate Female Survivor ng Season 1 na si Jennylyn Mercado.
Kuwento ni Jennylyn, hindi siya makapaniwala na siya ay magiging host na ng StarStruck kung saan siya unang nakilala.
IN PHOTOS: 'StarStruck's Ultimate Male and Female Survivors from seasons 1 to 6
"Parang hindi totoo 'yung feeling. Dati isa lang ako sa mga contestants. Nag-judge ako a few years back tapos ngayon isa na ako sa mga hosts. So kinakabahan ako kasi first time ko magho-host ng StarStruck pero excited ako!"
Bukod sa hosting ay excited rin si Jennylyn na makasama ang kanyang co-host na si Dingdong Dantes at ang StarStruck council na kinabibilangan nina Heart Evangelista, Jose Manalo, at Cherie Gil.
"Excited ako na makasama si Heart, si Kuya Jose, si Kuya Dong, at si Ms. Cherie Gil.
IN PHOTOS: Behind the scenes at 'StarStruck' Season 7 shoot
Dagdag pa ng Ultimate Star, nagpapasalamat siya na sa kanya ipinagkatiwala ang pagho-host ng 7th season ng original reality-based artista search.
Kuwento ni Jennylyn, "Medyo parang unbelievable 'yung mga nangyayari. Pero happy ako and thankful ako na siyempre pinagkatiwalaan nila ako na i-host itong season 7."
Abangan ang pagbabalik ng StarStruck ngayong June sa GMA Network!