GMA Logo Jennylyn Mercado advice to depressed people
What's Hot

Jennylyn Mercado on people with depression: "Kaya nilang labanan 'yan

By Bianca Geli
Published December 13, 2019 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spurs assert themselves, take down Thunder again in Christmas spotlight
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado advice to depressed people


May payo si Jennylyn Mercado sa mga taong nakararanas ng depresyon.

Isa si Ultimate Star Jennylyn Mercadosa nababahala para sa lahat ng mga taong may pinagdaananang mabigat sa buhay o depresyon.

Reaction ni Jennylyn sa dumaraming kaso ng depresyon sa mga nasa showbiz, “Kaya nilang labanan 'yan.”

Hindi rin naging madali ang buhay ni Jennylyn matapos maging ulila sa magulang sa murang edad.

Kaya naman may marami na rin itong maipapayo sa mga nagdadaan sa matinding kalungkutan.

Aniya, “Basta ang importante 'yung presence ng pamilya, 'yung mga nasa paligid mo. 'Yung supporta na nakukuha mo sa lahat ng tao.”

Kasalukuyang naghahanda naman si Jennylyn sa kaniyang role sa Philippine adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun at sa Metro Manila Film Festival entry na 3Pol Trobol Huli Ka Balbon.

Aiai Delas Alas and Jennylyn Mercado at the '3Pol Trobol Huli Ka Balbon' press conference

Abangan ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon, showing ngayong December 25.