
"Superman" kung ilarawan ni Jennylyn Mercado ang kanyang mister na si Dennis Trillo sa kanyang Father's Day greeting para rito.
Sa post ni Jen ngayong June 19, makikita ang larawan ni Dennis na hawak ang kanilang first baby na kung tawagin nila ay "Baby D."
Hindi pa ipinapakita ni Jen ang mukha ng kanilang baby girl sa larawan pero bakas naman sa mukha ni Dennis ang kanyang kasiyahan bilang ama.
"Happy Father's Day to our superman at work, @dennistrillo! We love you!" sulat ng aktres.
Sa comments section, bumuhos ang pagbati para kay Dennis ngayong Father's Day mula sa kanilang followers, kabilang na ang StarStruck batchmates ni Jen na sina Jade Lopez at Sheena Halili, at GMA Entertainment Group head na si Lilybeth G. Rasonable.
Ikinasal sina Jennylyn at Dennis sa isang intimate ceremony noong November 2021.
Mayroong parehong anak sina Jennylyn at Dennis mula sa kani-kanilang past relationships. Gayunpaman, tunay na anak ang trato nila sa kani-kanilang stepchild.
Ang panganay ni Jennylyn na si Alex Jazz ay anak niya sa ex-boyfriend na si Patrick Garcia. Samantalang ang panganay ni Dennis na si Calix Andreas ay anak niya sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar.
Narito ang kanilang inspiring modern family setup: