GMA Logo StarStruck Season 1 graduates
What's Hot

Jennylyn Mercado posts funny photo with 'StarStruck' batchmates

By Jansen Ramos
Published February 10, 2021 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos secures $3.4B investment pledges from Japanese business leaders
Pila ka mangunguma, nagapreparar sang talamnan sa pagsugod sang pag-ulan-ulan | One Western Visayas
Cookie brand, BTS create purple hotteok-flavored snack

Article Inside Page


Showbiz News

StarStruck Season 1 graduates


Naaliw at natuwa ang mga tagahanga ni Jennylyn Mercado nang i-post niya ang isang larawan kasama ang kanyang 'StarStruck' Season 1 batchmates.

Mahigit 17 taon na ang nakalilipas nang ipalabas ang unang season ng GMA reality artist search na StarStruck.

Isa sa mga pinakasikat na produkto nito ay walang iba kundi ang StarStruck Season 1 Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado na binansagan ngayong Ultimate Star.

Kahit pa may kanya-kanyang career na ang mga alumni nito, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan gaya ng batch ni Jennylyn sa StarStruck Season 1.

Sa January 27 post niya sa kanyang Facebook page, marami ang natuwa sa throwback photo na ibinahagi niya kasama ang kanyang batchmates na sina (nakatayo mula kaliwa) Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Katrina Halili, (nakaupo mula kaliwa) Jade Lopez, at Sheena Halili.

Ipinost ni Jennylyn ang larawan, kung saan may chocolate icing sila sa ngipin, bilang pag-obserba sa National Chocolate Cake Day.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 123,000 reactions. 1,200 comments, at 580 shares ang nasabing post sa Facebook.

Basahin ang ilang komento ng netizens dito:

Taong 2003 inilunsad ang first season ng StarStruck kung saan si Jennylyn at Mark Herras ang itinanghal na Ultimate Survivors.

Sa ngayon, may pitong season na ang Kapuso reality show. Ang huli nitong season ay ipinalabas noong 2019.

Maliban sa mga artistang nabanggit, ilan lamang sa mga kilalang produkto ng StarStruck sina Rocco Nacino, Kris Bernal, Megan Young, Ryza Cenon, Sarah Lahbati, Cristine Reyes, Arci Muñoz at Paulo Avelino.

Kung naaliw kayo sa throwback photo ng StarStruck Season 1 graduates, narito ang inspiring transformation photos ng StarStruck winners: