GMA Logo
What's Hot

Jennylyn Mercado, pressured maging hit ang MMFF film niya?

By Bianca Geli
Published December 12, 2019 8:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Jennylyn Mercado, nagsalita sa pressure ng pagkakaroon ng pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Bibida muli sa takilya ang Ultimate Star na si Jennylyn para sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na 3Pol Trobol Huli Ka Balbon.

Ayon kay Jennylyn, hindi na niya iniisip masyado ang pressure ng competition. “Ayaw na lang namin [cast] isipin 'yun 'eh gusto na lang namin mag-enjoy. Kasi nag-enjoy din naman kami habang ginagawa namin 'yung pelikula at confident naman kami lahat. Masarap sa pakiramdam na confident 'yung director, producer, at mga artista kasi na-a-absorb mo rin 'yung energy.”

Kabilang din sa star studded cast ng pelikua ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas. Nagkaroon ba ng problema kung sino ang mauuna sa billing sa kanilang dalawa?

“Hindi naman importante 'yun. Wala naman pong problema,” ang naging tugon ng aktres.

Hinihikayat din ni Jennylyn and lahat ng mga manonood na suportahan ang lahat ng pelikulang Pilipino ngayong MMFF season.

READ: Jennylyn Mercado urges Filipinos to support local films

Abangan ang 3Pol Trobol Huli Ka Balbon, showing ngayong December 25.