What's Hot

Jennylyn Mercado, pressured sa ‘Second Chances’

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 24, 2020 10:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: May 12, 2026
BFAR-11 steps up to help Davao City fisherfolk amid El Niño threat
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Matapos manalo bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival, nape-pressure nga ba si Jennylyn Mercado na magpakitang gilas muli sa bago niyang Telebabad soap?
By CHERRY SUN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Dahil sa kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival, hindi raw maiwasan ni Jennylyn na makaramdam ng pressure para sa kanyang upcoming soap na Second Chances.
 
“Mas nadagdagan ‘yung pressure kasi siyempre tataas ‘yung expectations nila. Kumbaga dapat matapatan mo ‘yung performance na ginawa mo, ‘yung huling performance na ginawa mo,” pag-amin niya.
 
“Medyo mahirap ‘yun for me kasi hindi ko alam [kung] ano [ang] ilalabas ko pa, ‘di ba. ‘Ano pa ba puwede kong ilabas, ibigay sa kanila?’,” dugtong ng aktres.
 
Mula sa pagpapatawa sa MMFF entry nilang English Only, Please ay gaganap naman si Jen sa heavy drama.
 
Saad niya, “As much as possible kaya gusto ko bibitawan ko siya bago ako umalis sa set. Bibitawan ko siya kasi ang hirap eh, ang bigat sa pakiramdam lalo na may anak ako, uuwi ka nang mabigat ‘yung loob mo, so mahirap ‘yun."
 
Ang naturang program na may temang bagong pag-asa na rin kaya ang daan para magkaroon ng second chance sa pag-ibig si Jennylyn at ang kanyang katambal na si Raymart Santiago?
 
“Kagaya ng sinasabi ko, hindi pa ako handa,” natatawang sagot ng aktor.
 
“Hindi [mahirap] na magkagusto ka kay Jennylyn, sa ganda niya, sa talent niya, mabait sa lahat. Pero hindi pa,” paglinaw niya.
 
“Sorry ha. Aantayin ko kung kailan ka magiging ready,” ang pabirong tugon ni Jennylyn.
 
Ngunit dugtong niya, “Siguro hindi kasi magkaibigan talaga kami ni Raymart eh.”