
Full support si Jennylyn Mercado sa bagong pelikula ng asawang si Dennis Trillo, ang Green Bones, na official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Noong Biyernes, December 20, kasamang dumalo ni Dennis si Jennylyn sa premiere night ng Green Bones, na ginanap sa SM North EDSA The Block.
Una nang ipinakita ni Jennylyn ang suporta sa asawa nang pumunta sa special screening ng Green Bones noong December 18 sa Columbia Pictures office.
Sa isang Instagram post, pinuri ng aktres ang Green Bones, na aniya ay napakagandang pelikula at ang husay ng mga bumubuo rito.
"I don't wanna sound biased dahil asawa mo ako, pero talagang napakaganda ng movie ninyo, at napakahusay ninyong lahat," sulat ng aktres.
Dagdag pa ni Jennylyn, mas lalo siyang naging fan ng aktor. Sabi niya, "Dennis, lalo akong naging fan mo. Grabe yung iniluha ko dito [by the way]."
Kasama ni Dennis na bumibida sa Green Bones ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.
Ang Green Bones ay idinirehe ni Zig Dulay, na siya ring direktor ng award-winning film na Firefly.
Mapapanood ang Green Bones sa mga sinehan simula December 25.
Panoorin ang official trailer ng Green Bones sa video na ito:
Tingnan ang mga dumalo sa naunang special screening ng Green Bones: