GMA Logo dennis trillo and jennylyn mercado with abdul and marsy
What's Hot

Jennylyn Mercado, Tito Abdul, and Tito Marsy fight over Dennis Trillo in hilarious video

By Jansen Ramos
Published August 11, 2025 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ says Brice Hernandez, Jaypee Mendoza didn't qualify as state witnesses
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo and jennylyn mercado with abdul and marsy


Viral ngayon sa social media ang nakakaaliw na video ng duo content creators na sina Abdul at Marsy kung saan sinopla sila ni Jennylyn Mercado matapos pag-agawan si Dennis Trillo

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang video ng duo content creators na sina David Domanais at Christian Kimp Atip, o mas kilala sa pangalang Tito Abdul at Tito Marsy, kasama ang Sanggang-Dikit FR co-stars nilang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Sa video, pinag-aagawan nina Abdul at Marsy ang Kapuso Drama King hanggang sa sinopla sila ng asawa nitong si Jennylyn.

Sulat sa caption, "Ate Jennylyn Mercado, payakap lang naman kay Dennis Trillo huhu."

Mayroon na itong mahigit seven million views mula nang in-upload nina Abdul at Marsy sa kanilang Facebook page kamakailan.

Marami naman ang natawa sa nasabing video, base sa mga komento ng netizens.

Sabi ng isang nagkomento, "I really like this version. Sakitan to the max."

Sambit pa ng isang netizen, huwag makikipagbiruan kay Jen dahil nag-train ito ng jiu-jitsu. "Naku wag na kyong magtangka.. Grabe manipa si Jen."

Hirit naman ng isang commenter kina Abdul at Marsy, "Pagod na pagod si ate mo jennylyn sainyo ang bibigat ng katawan nyo HAHAHAH."

Samantala, bukod kina Abdul at Marsy, napapanood din sa Sanggang-Dikit FR ang iba pang content creators gaya nina Abi Marquez, Shernan, Zaito, Ayanna Misola, at Alona Navarro.

Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.

RELATED CONTENT: Meet eight emerging Pinoy content creators to watch for in 2025